FEU inangkin ang solong liderato

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng Far Eastern University ang nagdedepensang University of the Philippines, 2-1, para solohin ang pangunguna sa UAAP Season 81 men’s football tournament kahapon sa FEU-Diliman pitch. 

Namuno para sa Tamaraws, may 11 points ngayon para sa liderato, sina Anthony Decena at Jermi Darapan.

Sa pagkakaroon naman ng 6 points ay nawala ang Fighting Maroons sa top four range. 

Sa unang laro, nagsalpak ng goal si substitute Conrado Dimacali sa 82nd minute para tulungan ang University of Santo Tomas na takasan ang University of the East via five-goal thriller, 3-2 at ilista ang 9 points.

 Ang magkasunod na goals ni Steven Anotado sa pang-60th at 64th minute ang nag-akay sa Growling Tigers sa 2-1 kasunod ang iskor ni Mason Vergara sa ika-71st minute para itabla ang Red Warriors.

 Sumosyo ang UST sa De La Salle University sa second place, samantalang nanatili ang UE na may 7 points kasama ang Ateneo, nagposte ng 4-0 dominasyon kontra sa Adamson University sa huling laro.  

Dalawang beses kumonekta ng goal si Mark Nacional, samantalang nag-ambag ng tig-isa sina Jarvey Gayoso at rookie Luca Alleje para sa panalo ng Blue Eagles, nanggaling sa 5-0 pagdurog sa Growling Tigers noong Huwebes.

Show comments