MANILA, Philippines – Dito na maaaring pumutok ang emosyon ng mga Aces at Hotshots.
Nagtabla ang serye, pag-aagawan ng Alaska at Magnolia ang mahalagang 3-2 bentahe sa kanilang upakan sa Game Five ngayong alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Governor’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.
Mula sa 0-2 pagkakabaon ay nakabangon ang Aces sa pag-angkin ng Game Three, 100-71 at Game Four, 90-76 para itabla sa 2-2 ang kanilang best-of-seven championship series ng Hotshots.
Sa nasabing panalo noong Miyerkules ay sari-saring insidente ang nangyari.
Nasiko ni Best Import Mike Harris ng Alaska si Romeo Travis sa kilay sa huling anim na minuto sa third quarter, samantalang binanatan naman ni veteran guard Mark Bar-roca ang maselang bahagi ng katawan ni Chris Banchero sa nalalabing 2:40 minuto ng fourth period.
Naging maanghang ang komento ni Aces head coach Alex Compton sa officiating ng mga referees.
Ayon naman sa 35-an-yos na si Harris, isang NBA veteran, hindi ang pagiging pisikal ang magpapanalo sa isang koponan.
“This game is more mental. So in most of the places I’ve played at, I’ve been known as smiley because at end of the day, once the referees calls the foul, there’s no-thing you can do about it,” sabi ni Harris, naglaro sa NBA para sa Milwaukee Bucks, Houston Rockets, Utah Jazz at Minnesota Timberwolves.
Humakot si Harris ng 34 points, 22 rebounds at 3 blocks sa Game Four.
Pinatawan ng PBA Commissioner’s Office si Barroca ng P50,000 at P20,000 ang multa kay Compton.
“We made a deal. You have to be willing to take a punch for our team and not throwing back,” sabi ni Compton sa kanilang usapan ng kanyang mga Alaska players sa kabila ng inaasahang mas magiging pisikal na Game Five.
Kumolekta si Travis ng 29 points at 13 rebounds habang nagdag-dag si Best Player of the Conference Paul Lee ng 14 points at 8 boards sa panig ng Magnolia.
Sinabi naman ni Hotshots mentor Chito Victolero na hayaan na lamang ni Compton na mangasiwa sa laro ang mga referees at hindi silang mga coaches.
“The referees will decided where there is a foul, flagrant foul, and what’s not a flagrant foul. The coaches, hindi ‘yan makakapag-decide,” ani Victolero.