LOS ANGELES - Kahit na magtayo sila ng 30 o 40-point lead ay hindi ito pinag-uukulan ng pansin ng Clippers.
Para sa best team sa NBA, mahalaga pa rin sa kanila ang consisten-cy.
Naglista si guard Chris Paul ng 21 points at 9 assists, habang may 20 markers si Blake Griffin para sa 127-95 paglampaso ng Clippers sa Brooklyn Nets.
Itinaas ng Los Ange-les, nasa seven-game winning streak ngayon, ang kanilang record sa 10-1.
“We have a singular focus,” wika ni Paul. “No excuses, we said we’re going to come out the same way every night. It’s all about pla-ying the right way. We got to keep building.”
Tinatalo ng Los Angeles ang kanilang mga kalaban ng average na 15.1 points, ang pinakamalaking kalamangan sa NBA ngayon.
Pinamunuan naman ni Bojan Bogdanovic ang Nets sa kanyang 18 points at nagtala si Sean Kilpatrick ng 14.
Ang season-high na 22 turnovers ng Nets ang nagresulta sa 35 points ng Clippers.
Sa San Antonio, natakasan ng Spurs ang matinding paghahabol ng Miami Heat sa fourth period nang kunin ang 94-90 panalo.
Kumamada si LaMarcus Aldridge ng 18 points mula sa 8-of-9 shooting sa first half kung saan nagtayo ang San Antonio ng 17-point lead laban sa Miami.
Humataw si veteran center Pau Gasol sa third period para ibigay sa Spurs ang 71-60 abante papasok sa fourth period at pinalobo ito sa 14-point lead, 80-66, laban sa Heat.
Sa Utah, bumande-ra sina Marc Gasol at Vince Carter para ihatid ang Memphis Grizzlies sa 102-96 panalo laban sa Jazz.
Nagpasabog si Gasol ng game-high na 22 points kasunod ang 20 ni Carter.
Sa Houston, kumo-lekta si All-Star guard James Harden ng 33 points, 9 rebounds at 7 assists para akayin ang Rockets sa 115-88 pag-lampaso kontra sa Philadelphia 76ers.