Elorde Awards sa March 25

MANILA, Philippines – Ilulunsad sa taunang Gabriel Flash Elorde Memorial Awards ang “Casting of the Fist” sa okasyon na nagpaparangal sa mga pinakamahuhusay na Filipino champions.

Gagawin ang boxing awards night apat na araw matapos ang birth anniversary ng boxing legend na si Elorde sa March 25 sa Sofitel Westin Philippine Plaza Hotel.

Sinabi ng asawa ni Elorde na si Laura na ang special highlight ng 16th edition ng annual rites,  nagbibigay ng pinakaprestihiyosong award sa mga pinakamagaga-ling na Filipino professional at amateur fighters, ay ang paglulunsad sa “Casting of the Fist”  na kabibilangan nina eight-division champ Manny Pacquiao, undefeated  champion Donnie Nietes, and former four-division world title holder Nonito Donaire at iba pang ex-champions kagaya nina Rolando Navarette, Rene Barrientos at Gerry at Dodie Peñalosa.

Sinabi pa ni Laura Elorde na ang “Casting of the Fist” ang magluluklok sa mga Filipino greats sa Elorde Hall of Fame museum na ilalagay sa loob ng 37-hectare Elorde property.

Magsasama sa entablado ng Flash Elorde Memorial Awards na inihahandog ng pamilya ng International Hall of Famer na si Flash Elorde, ang undefeated junior lightweight champion mula 1960 -67, sina 2015  light flyweight cham-pions Randy Pactolerin at Rey “Hitman” Loreto.

 

Show comments