Shumpert tinulungang iluwal ang kanyang ikalawang anak

CLEVELAND -- Tinatawagan si Dr. Shumpert.

Ipinakita ni Cavaliers guard Iman Shumpert na hindi lamang basketball skills mayroon siya kundi ang kalmadong pag­papaanak sa kanyang asawa.

Sa tulong ni Shum­pert ay iniluwal ng kanyang asawang si R&B si­nger Teyana Taylor ang kanilang malusog na ba­by girl.

Nangyari ang pagpa­paanak ni Shumpert kay Taylor sa loob ng ka­nilang banyo.

Ipinoste ni Taylor sa kanyang Instagram ac­count na hindi niya alam na manganganak na siya.

Ayon kay Taylor, ti­na­lian ni Shumpert ng headphones ang umbi­lical cord ng sanggol ha­bang hinihintay ang pag­dating ng ambulansya.

Ang mensahe ni Tay­lor sa kanyang baby girl na si Iman Tayla Shumpert Jr. ay: “Mommy carried you. Daddy delivered you. (hash)MeetTheParents we love you baby girl.”

Hindi naglaro si Shumpert, nasa kanyang ikalawang season sa Cleveland, sa laban ng Cavaliers kontra sa Ok­lahoma City Thunder bunga ng strained right groin.

Nakuha niya ang injury sa kanilang bangga­an ng Boston Celtics.

Nagtungo siya sa Qui­cken Loans Arena bago ang laro ng Ca­valiers at Thunder at tumanggap ng congra­tulatory handshakes sa hallway sa labas ng locker room ng Cleveland.

Show comments