PBA season 41 nagsimula na

Nakuha pang mag-selfie ni Asi Taulava kasama ang iba pang mga players na kinatawan ng 10-teams at ng mga opisyal na sina Commissioner Chito Narvasa, Board Chairman Robert Non ng San Miguel at CEO Chito Salud at ang Gilas Pilipinas coach na si Tab Baldwin. PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Matapos makansela noong Linggo dahil sa bagyong Lando, pormal na nagbukas ang 41st season ng PBA  kahapon sa Mall of AsiaArena kung saan nakita ang mga rookie players ng 10 koponan na pumarada kasama ang kanilang naggagandahang muse.

Ang mga muse na pumarada ay sina Arci Muñoz  ng Ginebra,   Alyssa Valdez ng Talk ‘N Text,  Rachel Anne Daquis at Alexa Micek ng San Miguel, Mika Reyes ng Barako  Bull,  Jasmin Fritzgerald ng Mahindra,  Karylle ng Globalport,  Max Collins ng Blackwater, Eula Caballero ng Meralco, Ann Lorraine Colis  ng NLEX, Julie Ann Marie Bourgon ng Rain or Shine, ang Borlain Sisters ng Alaska  at ang mga MS. Global candidates para sa Star Hotshots.

Ang opening game kagabi ay Rain or Shine kontra sa Star Hotshots na kasalukuyan pang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.

Ang lahat ng kinita kahapon sa tickets ay ipina-ngako ng PBA na ido-donate sa mga ‘Lando victims.’

Show comments