Nag-init ang Hot And Spicy sa panalo sa Citation Race

MANILA, Philippines – Mainit ang Hot And Spicy noong Linggo nang pa­ngunahan ang pinaglabanang 1st Philracom Citation Race for 2014 Horse Racing Industry Pla­yers sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Ca­vite.

Si JB Cordova ang sumakay sa Hot And Spicy na tumakbo kasama ang Dixie Gold at nakita ang lakas sa pagremate ng nagwaging kabayo sa 1,600-metrong karera.

Ang Low Profile na diniskartehan ni Mark Al­va­rez at paborito sa karera ay nakapagpundar na ng halos dalawang dipang agwat sa Hot And Spicy sa rekta.

Nakapaghatid ang Hot And Spicy sa kanyang winning connections ng P600,000.00 premyo.

Pero mahusay na ginamit ni Cordova ang latigo pa­ra tumulin ang Hot And Spicy at lampasan pa ang naglakad na Low Profile.

Pumangatlo pa ang Dixie Gold sa pagdiskarte ni Rodeo Fernandez bago sumunod na tumawid sa meta ang Kaiserlautern at Karapatan.

Second choice sa bentahan ang coupled entries para makapaghatid pa ng P15.00 sa win, habang ang 5-2 forecast ay may ibinigay na P20.50 dibi­den­do.

Show comments