Green Booters sumosyo sa fighting Maroons

Laro sa Huwebes

(FEU-Diliman pitch)

1 p.m. – AdU vs NU (men)

3 p.m. – FEU vs UP (men)

MANILA, Philippines – Nakuntento sa 1-1 draw ang De La Salle University laban sa karibal na Ateneo De Manila University para ma­kisosyo sa liderato ng UAAP Season 77 men’s football tournament kahapon sa FEU-Diliman pitch.

Umiskor ng goal si Yoshiharu Koi­zu­mi sa pang-74 minuto para itabla ang Green Booters sa Blue Eagles.

Nauna nang kumonekta ng puntos si Julian Roxas sa ika-55 minuto para sa Ate­neo.

Kapwa may magkaparehong 20 points ang Green Booters at ang UP Ma­roons para magsalo sa liderato kasunod ang Blue Eagles (18 points).

Dinurog naman ng nagdedepensang Far Eastern University ang Adamson Uni­versity, 6-0, mula sa pamumuno ni Eric Giganto.

Sa women’s play, nakipag-draw ang titleholder na FEU sa La Salle, 1-1, para sa kanilang league-best na 13 points.

Sumandal naman ang UP sa goal ni Kali Huff para sa kanilang 1-1 standoff ng Ate­­neo at manatiling hawak ang panga­lawang pu­westo sa kanilang dina­dalang 10 points sa torneo.

Show comments