EAC Generals lumapit sa finals berth sa NCAA

MANILA, Philippines - Sumandal ang Emilio Aguinaldo College kay Ho­ward Mojica para talu­nin ang College of St. Benilde, 25-19, 25-20, 25-20, at makalapit sa isang finals ticket sa men’s division ng 90th NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Humataw si Mojica ng isang 27-hit performance tampok ang 26 kills para sa ikalawang sunod na panalo ng Gene­rals sa single-round robin semifinals.

Kailangang talunin ng EAC ang nagdedepen­sang Perpetual Help bukas para makapasok sa championship round.

Umiskor naman ang Altas, isinuko ang 12-25, 27-29, 25-19, 20-25 kabiguan sa Blazers noong Mi­yerkules, ng  30-28, 25-18, 25-19 panalo kon­tra sa Arellano University Chiefs.

Dapat biguin ng Las Pi­ñas-based spikers ang Ge­nerals para buhayin ang kanilang tsansa sa ‘five-peat’.

Nauna nang yumukod ang Perpetual Help sa EAC sa elimination round na tumapos sa 54-match streak ng Altas sa loob ng apat na seasons.

Inaasahang ma­­ka­ka­mit ni Mojica ang Most Va­luable Player trophy nga­yong season.

Show comments