MIAMI – Pinirmahan na ni Chris Bosh ang kanyang $118 million, five-year contract para manatili sa Miami Heat nitong Miyerkules, ayon sa team.
Nakipagkasundo na si Bosh sa Miami noon pang kaagahan ng Hulyo ngunit hindi pa nagpirmahan dahil nasa mahabang bakasyon ito at kinailangan pang sumailalim sa physical examination bago pumirma.
Ito ang ikalimang season ni Bosh sa Heat. Siya ang unang player na nag-commit sa Heat ngayong summer matapos ihayag ni LeBron James na iiwan na niya ang Miami at babalik na sa Cleveland Cavaliers.
Nagtala si Bosh ng 16.2 points sa 52 percent shooting noong nakaraang season para sa Mia-mi. Kikita siya ng $20.6 million ngayong season at ang kanyang contract ang pinakamalaki kung total value ang pag-uusapan sa kasaysayan ng prangkisa ng Heat.