Nakaisa na ang Road Warriors

MANILA, Philippines - Gumawa ng 13 puntos sa ikatlong yugto si Garvo Lanete para pasiklabin ang mahalagang run na nagbigay ng kumpiyansa sa NLEX tungo sa 102-84 panalo sa nagdedepensang Blackwater Sports sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Dalawang tres ang ginawa ni Lanete sa nasabing yugto at ang huli ay nagbigay sa koponan ng 66-59 kalamangan matapos simulan ang quarter sa 44-48 iskor pabor sa Elite.

Natapos ang yugto sa 71-69 iskor bago nagtulungan sina Lanete, Kevin Alas at Art Dela Cruz Jr. sa 23-6 run upang hawakan ang 93-75 kalamangan.

Pisikal ang laro at ang bagong hugot ng Elite na si Reil Cervantes ay napatalsik sa labanan matapos tawagan ng flagrant foul category 2 nang suntukin sa ulo si 6’9” Ola Adeogun.

“There is no problem with the physicality of the game. But when the intention is to hurt other players, I think that has no place in this league,” pahayag ni coach Boyet Fernandez.

Nakasalo na rin ang Big Chill sa mga nasa itaas ng team standings nang padapain ang Hog’s Breath Café, 81-73 sa unang laro.

Sina Jeckster Apinan at Dexter Maiquez ang nagpaningas sa malakas na first half ng Superchargers na kung saan iniwanan ng koponan ang Razorbacks sa 31-10. (AT)

Big Chill 81 – Apinan 18, Maiquez 11, Heruela 10, Canlas 9, Lozada 8, Brondial 8, Villahermosa 7, Celada 5, Miranda 4, Santos 1, Bonifacio 0.

Hog’s Breath Café 73 – Belencion 11, Canta 10, Ga-bawan 10, Najorda 9, Sanga 8, Ruaya 7, Terso 7, Robles 5, Publico 4, Racal 2, Austria 0, Rios 0, Macasaet 0, Avillanoza 0.

Quarterscores: 23-8, 41-26; 61-50; 81-73. 

NLEX 102 – Lanete 19, J. Pascual 16, Alas 12, R. Pascual 11, Adeogun 10, Dela Cruz 10, K. Pascual 9, Long 7, Dela Rosa 4, Ganuelas 2, Amer 2, Hermida 0.

Blackwater Sports 84 – Cervantes 15, Bulawan 15, Cruz 11, Mangahas 10, Pinto 8, Trollano 6, Llagas 5, Austria 3, Ciriacruz 3, Ferrer 3, M. Cruz 3, Manguera 2, Pe 0, Acibar 0.

Quarterscores: 10-17; 44-48; 71-69, 102-84.

Show comments