MANILA, Philippines - Naiusad na ng Big Chill ang isang paa para sa mithiing unang dalawang puwesto matapos ang single round robin elimination nang kanilang igupo ang Wang’s Basketball, sa huling laro ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa 2013 kahapon na ginawa sa Ynares Sports Arena, Pasig City.
Pinatotohanan din ng Jumbo Plastic na palaban sila sa conference na ito nang daigin ang Blackwater Sports, 79-72, habang dinurog ng Boracay Rum ang Zambales M-Builders, 83-66, sa iba pang mga laro.
Walong puntos sa kanyang 15 na ginawa sa laro ang ibinuhos ng da-ting PBA player na si Reil Cervantes sa huling yugto. Ang kanyang jumper na nasundan ng puntos ni Jeckster Apinan at three-point play ni Brian He-ruela ang nagpasiklab ng 7-1 palitan para hawakan ng Superchargers ang 75-66 kalamangan wala nang isang minuto sa labanan.
“I’m pleased with how we finished the year,†wika ni Big Chill coach Robert Sison na may apat na dikit na panalo at kailangan na lamang ipanalo ang isa sa huling dalawang laro para kunin ang Final Four insentive na ibibigay sa mangungunang dalawang koponan.
Ang Giants ang nagbabadya sa ikalawang puwesto matapos kakitaan ng tibay ang guard na si Elliot Tan na gumawa ng 15 sa kanyang nangungunang 26 puntos sa huling yugto sa overtime.
Si Harold Arboleda ay mayroon pang 13-puntos at ang kanyang tres ang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa Jumbo Plastic, 73-71. Ang huling dalawang puntos ni Tan sa pasa ni Jan Colina ang nagtiyak ng ikawalong panalo sa 10 laro ng Giants.
Ang kabiguang ito ay nagtulak sa Elite sa ika-walong puwesto sa 4-3 karta.
Magandang team work ang ipinamalas ng Waves upang manatiling palaban para sa puwesto sa susunod na round sa pantay na 5-5 baraha.
Si Chris Banchero ay may 18 puntos habang sina Jeff Viernes, Roider Cabrera at Paolo Taha ay naghatid ng 14, 12 at 12 puntos para sa nanalong koponan.