LARO BUKAS
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
12:30 p.m. CSB-LSGH vs San Beda (Juniors, Game 2)
2:30 p.m. San Beda vs Letran (Seniors, Game 2)
MANILA, Philippines - Kailangan ng Letran College ang bench scoÂring kung naÂis nilang maÂnatiÂling buÂhay ang paghahabol sa kampeonato sa 89th NCAA men’s basketball championship.
Ang bagay na ito ay naÂwala sa Game OÂne noÂong Lunes na nagpalasap sa kanila ng 68-80 kabiguÂan sa San Beda.
Sina Mark Cruz, Raymond Almazan at Kevin RaÂcal ay naghatid ng 22, 16 at 12 puntos pero ang mga bench players na sina JoÂnathan Belorio, John TamÂbeling at Jamil GabaÂwan ay nagtala lamang ng 12 puntos sa bench.
Muntik nang tapatan ni John Ludovice ang bench points ng Knights sa kanyang 11 puntos at ang Red Lions ay may 37 puntos sa kabuuan.
“I told them (bench) that we can’t rely too much on our starters,†wiÂka ni Letran coach Caloy Garcia.
“We only lost Game One but we can bounce back if we win game two,†dagdag ni Garcia na puÂmalit kay Louie Alas sa taong ito.
Dikitan ang first half peÂro umarangkada ang Knights sa ikatlong yugto nang kumawala ng 14 punÂtos si Almazan, habang walo ang ibinigay ni Cruz upang hawakan pa ng koponan ang 53-47 benÂtahe.
Ngunit tanging si Cruz (6 puntos) ang gumana sa huling yugto, habang ang San Beda ay sumakay sa pinagsamang limang tres nina Baser Amer at LuÂdovice at pitong puntos ni Ola Adeogun tungo sa 33-15 palitan sa huling sampung minuto ng labanan.
Sa kabilang banda, gaÂgawin din ng Red Lions ang lahat ng makakaya paÂra makumpleto ang 2-0 sweep sa Game Two bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“We only won one game and it’s not yet over. We will again be ready for Letran on Thursday,†paÂÂniniyak ni San Beda coach Boyet Fernandez.
Samantala, inihaÂyag ng NCAA na magbibigay sila ng P100,000.00 bilang tulong sa mga nabiktima ng super typhoon na ‘Yolanda’.
Ang pera ay ibiÂbigay nila sa Alagang Kapatid Foundation Inc. ng TV5 na nagsasagawa ng fund-raising para sa mga ÂbikÂÂtima ng bagyo.