High Grader nagposte ng panalo

MANILA, Philippines - Nakatikim din ng pa­na­lo ang dalawang taong gulang na High Grader nang dominahin ang nila­hu­kang karera noong Bi­yer­nes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

 Kay Pat Dilema ipi­na­gabay ang kabayo sa pag­kakataong ito at na­ku­ha ang tamang dis­kar­te para kumbinsidong ma­­nalo sa 2YO Maiden Race na pinaglabanan sa 1,000-metro distansya.

Mahusay ang pagka­ka­puwesto ng 2-year-old colt sa balya kaya’t pagpasok sa huling kurbada ay na­kuha agad ang liderato sa naunang lumamang na Riddler at Chelzeechelze­chelz.

Mula rito ay iniwan na ng kabayong pumanga­lawa sa 1st leg ng Juve­nile Colts race noong Hul­yo 27 na ginawa sa na­sabing karerahan, tungo sa halos anim na dipang la­yo sa Coral Princess na ginabayan ni JB Guerra.

Ang panalo ay maaa­ring senyales na tatakbo ang nasabing kabayo sa mga susunod na juvenile colts races.

Nagpasok ang win ng kabayo ng P5.00, habang ang 1-3 forecast ay nagpa­mahagi ng P13.00 sa dibidendo.

Nanalo naman ang Zapima nang ma­ngibabaw sa 3YO Spe­cial Handicap race sa 1,300-metro distansya.

Dikit ang mga benta­han ng mga tumakbo para umabot pa sa P16.00 ang win, habang ang 11-3 forecast ay nagpamahagi pa ng P21.00.

 

Show comments