James tinulungan ng escort para sa concert

MIAMI GARDENS, Fla. -- Sinabi ni NBA MVP Le­Bron James na kinailangan niya ng tulong para ma­kadalo sa concert nina Justin Timberlake at Jay-Z no­ong Biyrnes ng gabi.

Ipinoste ng Miami Heat star ang kanyang video at nag­sabing “a police escort on the wrong side of the street” para makapunta siya sa concert sa Sun Life Stadium.

Ang eight-second video ay nagpakita sa sasakyan ni James na iniilawan ng pulis kung saan pinabayaan silang makadaan sa isang three-lane side ng kalsada.

Hindi malinaw kung binigyan si James ng escort ng law enforcement agency kagaya ng napanood sa pa­ligid ng stadium.

Sumikip ang trapiko dahil sa nasabing concert nina Timberlake at Jay-Z.

Ang naturang video ay nakaposte sa social media accounts ni James.

 

Show comments