Meralco nilabanan ang Gilas Pilipinas

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagbabalik sa gym ay tinutulungan din ng Meralco Bolts ang Gilas Pilipinas para sa paghahanda nito sa darating na FIBA-Asia Championships sa Agosto 1-11.

Nagsasanay ang Bolts para sa isang three-game exhibition series laban sa Japanese national team na gagawin sa Sendai at Tokyo, Japan.

Ibinandera si import Chris Blake at ibang mi- yembro ng Phl cadet team, hinarap ng Gilas II ang Meralco sa isang tune-up game noong Mar-tes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ginamit ni 6-foot-11 naturalized player Marcus Douthit at ng Nationals ang kanilang laki at bilis para talunin ang Bolts, 94-74.

Bago magsimula ang Asian joust, pinaigting ng Gilas II ang kanilang ensayo kung saan sumasailalim na sila sa isang twice-a-day training session simula noong Lunes.

Magtutungo ang Me-ralco sa Japan para labanan ang Japanese team sa isang fund-raising series para sa mga naging biktima ng killer earthquake.

Dapat ay maglalaro ang Gilas sa Japanese series. ngunit binago ng Gilas officials ang kanilang iskedyul matapos ang naging resulta ng FIBA Asia draw.

Dahil dito, papupuntahin  ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang Bolts kasama sina Gilas cadet players Garvo Lanete, Ke-vin Alas at Ronald Pascual.

Magiging reinforcement rin ng koponan si Blake na gustong maglaro sa PBA Governors Cup na nakatakda sa Agosto14.

“He’s trying out and we needed to get one on board for our Japan trip,” sabi ni Meralco coach Ryan Gregorio.

Show comments