CAMDEN, N.J. -- Ang kaso ni Kobe Bryant at isang auction house na gustong ibenta ang kanyang mga memorabilia mula sa kanyang high school days at pro career ay magkakaroon ng pagdinig sa susunod na buwan.
Maiiwasan lamang ito kung sila ay magkakaroon ng kasunduan.
Itinakda ni U.S. District Judge Renee Bumb ang trial date sa Hunyo 17 at nagtakda rin ng court-guided mediation session sa Biyernes sakaling may marating na usapan ang dalawang panig.
“Maybe I should have had you bring your witnesses today and we would have tried the case,’’ sabi ni Bumb sa isang hearing. “You’re all so ready to go.’’
Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi siya nagtakda ng trial ay dahil ang ama ni Bryant na si Joe ‘Jellybean’ Bryant ay hindi makakadalo dahil nagko-coach pa sa isang Thai team sa Asian Basketball League playoffs.
Inihayag kamakailan ng Berlin, N.J.-based Goldin Auctions ang plano nitong ibenta ang mga momentos ni Bryant mula sa kanyang paglalaro sa high school sa Lower Merion High School sa labas ng Philadelphia.
Sa isang announcement ng Goldin noong April 30, ipinangako nito na 100 items na nagmula sa ina ni Bryant na si Pamela Bryant ang kanilang ibebenta.
Kasama sa koleksyon ang high school uniforms, basketballs, trophies at iba pang bagay na kasama sa 900 pang ibebenta.
Nagbigay ang Goldin kay Pamela Bryant ng paunang $450,000 na ginamit nito para bumili ng bahay sa Las Vegas.