Si Go Teng Kok at ang POC elections

Marami ang nagulat sa pagtakbo ni athletics association president Go Teng Kok sa presidential race sa nalalapit na POC elections sa Nov. 30.

Ngunit hindi pa sigurado kung magiging opis­yal siyang kandidato o hindi.

May hinihintay pa kasing dokumento mula sa Korte Suprema ang Comelec ng POC para payagang tumakbo si GTK.

Ang Supreme Court ruling na ito ang magi­ging ti­cket ni GTK para kalabanin si incumbent POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr.

Imagine, kakalabanin ni Go ang dati niyang kaalyadong si Peping.

Gagawin niya ito kahit na idineklara siyang ‘persona non grata’ ng POC.

Alam ni Go na magiging mahirap ang laban, gayunpaman ay ginawa pa rin niya ito.

Dangan kasi ay wala namang ibang lalaban kay Cojuangco sa pagkapresidente ng POC.

Okay sana si sports patron/business mogul Man­ny V. Pangilinan na maging presidente ng POC ngu­nit nagdesisyon itong huwag kumandidato bagama’t may mga NSA heads na humiling sa kanya na kumandidato.

Dahil dito, kailangang panindigan ni GTK ang kanyang sinabi na tatakbo siya sa POC presidency kung walang ibang tatakbo.

At eto na nga… kopya na lamang ng Supreme Court ruling ang kailangan para maging opis­yal na kandidato si GTK.

Show comments