Madaling mabulok ang mga prutas lalo na kung hindi natin ito inilagay ng tama sa ref o sa lagayan. Maaari itong mapanis ng mas maaga kung pababayaan na lamang sa isang sulok. Isang halimbawa ng prutas na madaling masira ay ang strawberries. Mapapansing madali itong lumambot makalipas lamang ng isang araw.
Pero alam niyo ba na madali itong masosolusyunan gamit ang suka?
Non-toxic ang suka kaya naman maaari itong gamitin bilang panlinis ng mga prutas.
Paghaluin lamang ang kalahating tasa ng suka at dalawang tasa ng tubig. Maaari na itong gamiting panglinis ng mga prutas at ang solution na ito ay makakapagtanggal ng 98 percent ng bacteria. Mas malinis pa ito kesa sa paggamit ng antibacterial soap at tubig.
Makakatulong din ang pinaghalong tubig at suka na labanan ang namumuong mold sa prutas kaya mas matagal itong mabubulok.
Siguraduhin lamang na babanlawan ito ng tubig para walang maiiwang amoy at lasa sa prutas.
Bukod dito, maaari ring maglagay ng baking soda sa tubig at ibabad ang prutas sa loob ng tatlong minuto saka banlawan.