Isa ang avocado ice cream sa mga dessert na hinding-hindi pagsasawaan ng mga Pinoy.
Marami sa atin ang naghahanap nito sa mga grocery stores pero alam niyo bang simple lamang ang paggawa ng avocado ice cream?
Narito ang ingredients:
2 malalaking avocados
1 teaspoon ng lemon juice
1 lata (14 ounces) ng sweetened condensed milk
2 cups ng heavy cream
Paraan ng pagluluto:
1. Hatiin ang avocado at ilagay ang laman nito sa isang lalagyan.
2. Huwag kalilimutang lagyan muna ng lemon juice ang avocado bago ito durugin. Pagkatapos nito ay ihalo ang avocado sa condensed milk.
3. Sa isang lagayan, i-whip ang heavy cream gamit ang hand mixer (maaaring i-search sa YouTube kung paano ito gagawin).
4.Unti-unting ilagay ang whipped cream sa mixture ng avocado at condensed milk.
5. I-transfer ito sa lagayan at ilagay sa freezer ng at least six hours. I-serve ito ng frozen. Burp!