Massage Therapy

Ang maganda at masarap na masahe ay totoong nagbibigay ng maraming health benefits dahil sa sakit ng likod dahil sa cramp o tense muscle. Kaya tanggal din ang stress at nakararamdaman ng relaxation.

Alamin ang mga klase ng massage therapy na bagay ayon sa iyong back pain.

1. Sweddis Massage ay isang uri ng massage the­rapy. Kumbinasyon ito ng mga basic movements nang mahabang strokes at madiin na pressure para lumuwag ang mga muscles at kalamnan.

2. Hilot kapag madaming lamig at matigas ang mga muscles sa likod dahil sa stress at pressure sa trabaho.

3. Hot Stone massage na nilalagyan ng mainit at may bigat na bato sa likod sa bandang spine. Ang init ay upang matanggal ang tension sa iyong likod lalo na sa sobrang pagtatrabaho.

4. Chair massage na hindi kailangan tanggalin ang damit na minamasahe ang tension sa upper part ng likod.

5. Deep Tissue Massage mas madiin ang pressure sa specific na trouble point na parang kang tinu-torture na ginagamit ng therapist ang kamao at siko.

6. Trigger Point massage na nakapokus lamang sa specific na area kaysa sa pagmamasahe sa buong katawan.

7.  Neuromuscular therapy mula sa highly train na therapist sa pagbibigay ng pressure sa area kung saan mayroong muscles spasms na masakit galawin.

Show comments