Iba’t iba ang custom sa buong mundo, mas maigi na alam ang mga kultura ng ibang lahi upang maiwasan na mapasubo o mapahiya sa bansang gustong puntahan. Maging handa na mag-adjust sa etiquette, custom, at kultura na ginagawa sa lugar na iyong papasyalan.
Kung nagkataon na napunta sa China at ang iyong dyowa ay isang Chinese, tandaan na huwag manghihiram ng payong kapag inabot ng ulan para umuwi ng bahay.
Isang malaking kamalasan ang itinuturing sa mga Tsino ang ganitong practice. Sa China ang payong o umbrella ay simbolo ng paghihiwalay kapag ginawa ito.
Sa halip kapag inabot ng ulan, ang sariling payong lang ang gamitin na maglakad hanggang ihatid sa pintuan ng GF ng bahay nito. Ito ay isang gestures na ginagawa sa kanilang kultura upang huwag maputol ang magandang samahan o relasyon, kaysa hiramin o makisilong sa payong ng ka-partner. Kundi laging magbitbit na magbaon ng sariling payong upang maging handa na isukob ang Gf sa iyong payong.