Ang pagtulog ay importanteng role sa physical health. Ito ay kasing halaga ng healthy eating at exercise. Kasama sa pagtulog ang healing at pag-repair ng heart at blood vessels. Ang kakulangan ng pagtulog ay inuugnay sa malaking risk ng sakit sa puso, kidney, diabetes, high blood pressure, at stroke.
Ang tao ngayon ay nababawasan ang quality ng tulog dahil sa napupuyat sa gadgets at pagbababa sa social media. Distracted sa panonood ng TV at movies.
Iniisip na kapag sinabing sleep ay pagpikit lamang ng mata na temporary na shut - off ng katawan at brain. Pero ang brain ay nagtatrabaho pa rin na inihahanda ang maraming biological na paghahanda para sa susunod na araw.
Ang sapat na tulog ay depende sa edad na naapektuhan ng lifestyle, kalusugan, trabaho, at pasaway na pagpupuyat. Inirerekomenda na kapag baby ay 16 – 1 hours, preschool 11 – 12 hours, school-aged na bata at least 10 hours, teens 9 -10 hours, at adult at senior citizens ay 9 -10 hours.
Habang natutulog ay nire-repair ang damage sa katawan dahilan sa stress, ultraviolet rays, at ibang harmful exposure gaya ng muscle injuries at ibang trauma.