Kung sa pasabog ng anak niyang si Diego Castro ay hindi nagsalita ang actor na si Cesar Montano, hindi naman niya pinalampas ang akusasyon ng mga tauhan niya sa Tourism Promotions Board (TPB) kung saan nga inakusahan siya ng pagpasok sa mga maanolyang kontrata sa concert sa Luneta at major sponsorship umano sa Always JaDine USA Tour 2017.
Ayon kay Cesar walang basehan at hindi totoo ang mga nasabing akusasyon. Banggit pa niya na walang mga pangalan ang nagreklamo kaya wala siyang masabing complaint.
‘”Yung complainant po, walang name, wala pong official tayong mapag-uusapan dito. Nothing on the table yet, so wala po,” pahayag niya sa TV interviews kahapon nang dayuhin siya sa kanyang opisina sa may Taft Avenue.
Ani pa ni Cesar siya ang may nadiskubre sa tanggapang kanyang pinamumunuan na ibubunyag niya sa lalong madaling panahon.
Samantala, itinanggi naman ng Viva na may major sponsor ng hawak na ahensiya ni Cesar sa concert ng magka-loveteam.
“At best, all we have is a proposal.
“Until all approvals are obtained from the proper channels, any supposed sponsorship of the James Reid and Nadine Lustre (JADINE) tour is not binding on VIVA.
“Further, VIVA has not received any consideration from Tourism Promotions Board for the supposed sponsorship.
“Thus, no Tourism Promotions Board sponsorship of the JaDine tour will proceed,” ang sabi ng Viva sa statement na pirmado ni Jay Montelebano, vice president for sales and production ng Viva ang nasabing akusasyon.