Prutas at Pagkain na nakakaputi

Hindi lamang sa pagpapahid ng kung anu-anong produkto sa iyong balat ang makakatulong sa iyong pagpapaputi. Sa katunayan, mara­ming pagkain ang napatunayan nang mabisa.

Lemon water – Bukod sa mura na, mabisa pa ang araw-araw na pag-inom ng isang litrong lemon water.

Potato – Ilagay ang hiniwang patatas sa mukha. Nakatutulong itong makaalis ng red marks sa iyong mukha, blemishes at nakakaputi rin.

Tea – Ang pag-inom ng tsaa bago matulog sa gabi ay nakakabawas ng skin burn at maging ng paggaspang ng ating mga balat.

Pula at dilaw na mga prutas/gulay – Sagana ang mga prutas na ito sa phytochemicals at carotene.

Naiiwasan nito ang pagkasira ng mga cell sa ating balat na nagdudulot sa ating pag itim.

Ilan sa halimbawa ng mga prutas na pula at dilaw ay carrots, pakwan, orange, manga, at kalabasa.

Show comments