Kakaiba sa Ilocandia

Ilan sa mga gustong puntahan ng marami ay ang bandang norte ng Luzon, ang Ilocos Norte at Ilocos sur.

Kahit na mahaba ang biyahe, sulit naman ang sey ng lahat ‘pag nakapunta ka rito.

Hindi lang kasi magaganda at kakaibang lugar na hitik sa history ang makikita mo rito, dahil lahat ng mga pagkain nila at talaga namang matatakam ka.

Kilala sa Ilocos ang putaheng dinardaraan (duguan). Kakaiba kasi ang kanilang pagkakaluto rito, hindi ito ‘yung gaya ng simpleng dinuguan na masabaw. Tuyung-tuyo ito at halos nagmamantika na, at ang kakaiba, crispy ito kaya lahat ay makakain mo. Kasama rin sa listahan ang sikat na empanada ng Ilocos at ang pakbet.

Bukod sa mga nabanggit, isa sa sikat na destinasyon ng mga lumilibot sa Ilocos Norte ay ang bayan ng Pasuquin. Kakaiba kasi ang tinapay na kanilang tinitinda na kung tawagin ay Biscocho.

Isa itong uri ng tina­pay na hugis pandesal ngunit mas malaki lang ng kaunti. Mabibili ito sa tatlong magkakaiba na luto. Ang una, walang kasing lambot pangalawa ay medyo to­s­­tado at ang paborito ng lahat, ang hard biscocho na sobrang tostado.

Napakasarap ng ti­napay na ito na paboritong merienda ng mga taga roon at pasalubong naman ng mga turista.

Show comments