Sense of Security

Walang mabilis na solusyon para malabanan agad ang nararamdamang insecurity. Ito ay magsisimula sa pagpapakumbaba at pagtanggap ng may kakulangan sa sarili.

Dapat malaman kung ano ang pinaghuhugutan ng ganyang pakiramdam. Para maitama ang pag-iisip ng negatibong bagay sa sarili.

Ang pagkakaroon ng sense of security ay higit pa sa pagpapalakas ng self-esteem. Ang totoong pinanggagalingan ng lakas at confidence ay mula sa Panginoon.

Baguhin ang mali at pangit na pagtingin sa sarili. Magpokus sa positive na qualities sa inyong buhay. Isulat sa papel ang lahat ng honest na assessment ng mga advantage traits na meron ka. Huwag sukatin ang talent sa pagkukumpara ng sarili sa iba dahil iba-iba ang misyon ng bawat isa.

Patuloy lang tumingin at lumingon sa Panginoon na paghuhugutan at panggagalingan ng security sa buhay.

Show comments