Iwas sa Negative Vibes

Hindi talaga maiiwa­san na may inggite­ro sa paligid sa school man, trabaho, o kapitbahay. 

Karamihan ang inggitero ay insecure na tao, na pinipilit na maging feeling close sa kasama o kaibigan na pinag-iinggitan. Kaya maglagay ng puwang sa iyong boundary para malimitahan ang paglapit niya sa iyo.

Huwag makihalubilo sa ganitong tao. Ang pag-iwas sa inggitero ay magsisilbing proteksyon sa negative energy na makukuha sa kanya.

Sikaping  iwasan na makipag-usap o makasama ang insecure na tao, dahil baka mahawaan ng pangit na pananaw sa buhay.

 

Show comments