Kasama sa pagbabagong buhay ay pagkakaroon ng makeover, hindi lang sa panlabas na itsura ng mga kababaihan kundi ang pangkalahatan anyo para magmukha fresh o kakaiba sa pagsisimula ngayong unang buwan ng taon.
Hindi lang basta ang pagpapagupit ng buhok ng mga babae o bagong haircut sa mga kalalakihan para good looking tingnan. Maganda rin na baguhin ang hairstyle. Subukan din ang ibang dye o kulay ng buhok na babagay sa iyong look at personalidad. Sa mga babae na mahaba ang buhok ay puwedeng bagayan ng layers, at bangs. O ‘di kaya ay short, sleek, o chic bob na gupit depende sa hugis ng mukha.
Sa mga lalaki mas madaling magkaroon ng drastic change na appearance sa simpleng pagtabas ng buhok. Subukan din magkakaroon ng balbas o bigote. Kung nakasanayan na ang balbas sa mukha ay mag-ahit ngayon para maiba naman.
Baguhin na rin ang inyong wardrobe. Ipamigay na ang mga lumang damit na masikip, maluwag, o hindi na bagay lalo na kung nagmumukha kang mataba.
Hindi naman ibig sabihin ay magpapakapormal na ang bihis. Bumuli lang ng iba’t ibang klase at kulay ng damit na swak sa budget. Para maiba ang style kapag ipapares sa ibang napiling damit na babagay sa iyo.