Kinakatakutang Psychological Assessment

Psychological Assessment ano nga ba ito? Ito ay isang pagsusuri kung maiintindihan at maipaliwanag ang pag-uugali at damdamin ng isang tao.

Alamin ang mga katotohanan para mabura ang maling konsepto sa ganitong assessment lalo na para sa mga bata.

Huwag mag-alala dahil mga psychologists ang gumagawa ng ganitong pagsusuri. Kadalasang nagmamasid, nagtatanong, at may mga pinapagawa sa mga taong sumasailalim sa ganitong assessment. 

Minsan kapag naririnig natin na kailangan ng Psychological assessment ng isang bata, hindi mai­wasang ma-intimidate o mag-react ng magulang nito. Natatakot ang iba sa maaaring maging resulta ng assessment na baka hindi normal ang anak nila.

Hindi dapat matakot sa ganitong payo. Mas mainam na sundin ito dahil nakatutulong ito sa bata lalo na kung napapansing nahihirapan siya sa paaralan, o kaya naman hindi normal ang kinikilos ng anak o estudyante. 

Ito rin ay puwedeng mag-assess kung saang aspeto ba magaling ang isang bata, o hindi kaya naman saang aspeto siya nahihirapan.  Ang mga resulta nito ay kadalasang nakatutulong lalo na sa mga planning programs ng bata sa paaralan o ‘di kaya naman sa bahay.

Hindi kailangang ma­ngamba as accuracy ng assessment na ito dahil mga ekspertong psychologists ang gumagawa nito. Sila ay bihasa at lisensyado upang gumawa ng mga ganitong pagsusuri.

Isa pa, may mga sinusundang mga proseso kung paano gawin ang pagsusuri at kung paano papanatilihing confidential ang mga impormasyon na makukuha rito.

Walang dapat na ikabahala sa pagsailalim ng isang bata sa Psychological Assessment, bagkus ay dapat maging bukas ang isip ng mga magulang sa mga posibleng maitulong sa pagbuti ng bawat aspeto sa paglaki ng kanilang mga anak. – Leonaisa Ruth Sarefe

Show comments