Ang Aklat ng Buhay

Ang Bibliya ay hindi ordinaryong libro, hindi kasi maubos ang mga rebelasyon na nakasulat sa aklat tungkol sa Panginoon.  Sa aklat din ng Bible ay ipinapakita ang pagmamahal at  pagkalinga ng Diyos mula sa kanyang nakamamanghang mga pangako at kung paano ito ipapamalas.

Sa Bibliya, lahat ng uri ng kinakailangan tulong ay makikita rito sa lahat ng sitwasyon. Kapag nagkaroon ng problema, ang unang dapat hanapin ay ang Salita ng Dios.  Ang layunin ng Bible ay upang ipamalas ang iisa at totoong Diyos; upang makasumpong ng kaligtasan ang tao; para maintindihan kung paano mamumuhay ng may kabanalan; at nang malaman kung paano maglingkod sa Panginoon.

Ang Bible ay aklat ng buhay dahil ito ay timeless, infallible o walang mali; mapapagkatiwalaang gabay sa buhay, at makasusumpong ng liwanag sa kawalan ng pag-asa.

Show comments