Mahirap ang mabulunan, katunayan itinuturing itong isa sa health hazard sa kainan kapag holidays seasons. Ayon sa National Safety Council sa United States halos mahigit 3,000 ang namamatay taun-taon dahil sa nabulunan.
Mas napaparami kasi ang nakakain sa mga holidays o bonding time na pinagsasamahan ng barkada o pamilya. Kaya nga pinag-iingat sa pagkain dahil mas mainam na dahan-dahang nguyain ang pagkagat ng chestnut pudding, pie, o kahit anong nilalantakang pagkain sa harapan mo.
Para maiwasang mabulunan, kumagat lang muna ng maliit, nguyain paunti-unti at lasapin muna ang pagkain. Iwasan ding ma-distract habang kumakain. Huwag din susubo habang may laman pa ang bibig. Kung may nginunguya pa, huwag munang kumagat ng hotdogs, grapes, candy, mani, prutas, gulay, o matitigas na pagkain.
Siguruhin din may nakahandang tubig o inumin sa iyong tabi, in case na mabilaukan ka, makaiinom agad. Huwag din iiwanan sa tabi ang mga baby, bata, lolo, at lola na may sakit o diperensiya habang masaya ang inyong salu-salong kainan.