Ayaw ni ‘Neneng’ ng ganyan (PART 3)

Hindi matatawaran ang ‘kaligayahan’ na ibi­nibigay sa ating mga babae ng pinaka-iingatan nating vagina.

Dapat lang na suklian natin ito sa pamamagitan ng ating tender-loving-care.

Pero minsan may mga bagay tayong ginagawa na hindi natin alam ay ayaw ni ‘neneng.’

Narito ang isa pang tip para mapangalagaan ang ating vagina. 

Pagpapa-tattoo malapit sa vagina.

May mga babaeng nagpapa-tattoo. Cool ‘di ba. Astig ang dating.

Pero kung magpapa-tattoo malapit sa vagina, mag-isip ka muna at inflammation kapag nagpa-tattoo sa vaginal area.

Sa area na ito kasi ang pinaka-sensitive na bahagi ng ating balat.

Kaya malamang na magka-rashes at irritation kaya mangangati ka.

Kahit ang pagpapa-henna malapit sa vagina ay puwedeng pagsimulan ng rashes at irritation.

Puwede naman ka­sing magpa-tattoo sa ibang bahagi ng katawan, eh kung bakit sa vaginal area pa magpapa-tattoo?

 ‘Di ba mga Ate.

Show comments