FYI

Ang pagbaybay ay isa-isang pagsasabi o pagsusulat sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga titik ng salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, at simbulong pang-aghan. Kakaiba ito sa pagpapantig sapagkat ang pagpapantigay ay pag-iisa-isa ng mga pantig na bumubuo ng salita. Halimbawa ng pagpapantig: edukasyon –e-du-kas-yon; pamilya – pa-mil-ya; samantalang ang pagbaybay: edukasyon –i-di-yu-key-ey-es-way-o-en-; pamilya-pi-ey-em-ay-el-way-ey. Noong 1935 ay nagsimula ang pag-aaral sa Papantig, 1987 Patitik hanggang 2001. Noong 1935 ang panahon na ang ginagamit na sistema ng palatitikan ay ABAKADA ni Lopez K. Santos, ang “Ama ng Balarilang Tagalog”. Ang paraan ng pagbaybay ay papantig na titik halimba: pag-ibig-pa-a-ga-i-ba-i-ga; Diyos-da-i-ya-o-sa. Ganito ang pagbaybay ng mga salita dahil ang pagbigkas sa mga titik noong 1935 ng ABAKADA ay papantig.

Show comments