Narito ang inyong lucky colors base sa inyong birth month:
July - Sky blue, yellow, at pink ang magdudulot sa kanila ng magandang buhay. Magiging malakas ang hatak ng suwerte sa pera kung yellow ang isusuot sa paghahanapbuhay. Sky blue naman kung may nilalakad kang importanteng bagay na nangangailangan ng kanilang pagsang-ayon sa iyo. Pink naman kung nais mong maging masuwerte ang lovelife. Huwag magsusuot ng matitingkad na kulay na masakit sa paningin, malas iyon sa iyo.
August - Green ang makakaakit ng pera; white kung makikipagtransaksiyon; at red orange para sa good health. Malas magsuot ng brown.
September—Violet, gold yellow, at gray ang kulay na magdadala ng suwerte sa pananalapi at business transaction. Magsuot ng gold yellow upang maiwasan ang away sa karelasyon. Gray ang isuot upang maging harmonious ang relasyon sa kapamilya. Iwasan ang itim. -Itutuloy