7 paraan para sumigla ang ‘love life’ (3)

Para lalong mag-init ang ating sex life, mas lumalim ang koneksiyon sa partner, mas magkaroon ng time para sa isa’t isa, subukan natin ang payo ni feng shui expert Ellen Whitehurst.

Natalakay na natin kung ano ang dapat gawin kung naais mong makahanap ng iyong life partner, kung nais mong magka-baby, kung nais mong magkaroon ng maayos na komunikasyon sa iyong partner, kung nais mong mag-init ang sex life,  kung paano aayusin ang rocky relationship at kung paano makaka-move-on.

Kulang na ba ang inyong oras para sa isa’t isa. Hindi nab a kayo nagkakasama?

Kung gusto mong madagdagan ang inyong time together, narito ang dapat gawin.

Ayon sa feng shui, kung masyado ka nang busy at hindi na nabibigyan ng oras ang lovelife, subukan ang cure na ito.

Maglagay ng lamps sa magkabilang side ng bed para mag-shift ang energy para magkaroon ng oras para sa isa’t isa.

Sabay kayo dapat magpatay ng ilaw sa inyong side ng bed ng 27-sunod na gabi upang magkaroon ng harmony, balance at togetherness. Kung nahihirapang sa sleep schedule, magkasundo kayong magsabi ng “good night” ng sabay gabi-gabi para mapaalalahanan na kailangan sa relationships na ma-nurture at  ma-nourished araw-araw.

Show comments