Maraming bagay ang maaaring makahawa sa atin, maaaring ito ay sakit o kamalasan. Pero, tiyak na mas gugustuhin natin na ang makahawa sa atin ay mga bagay na positibo at makakaganda ng ating itsura o pagkatao. Isa na rito ang pagtawa. Maaaring minsan, wala naman dahilan para tayo ay maging masaya para tumawa, kaya ang resulta ay ipopormal mo na lang ang iyong mukha at hindi na ngingiti. Ang hindi alam ng marami, napakaraming benepisyo ng pagtawa sa katawan at pananaw ng isang tao. Ano nga ba ang nagagawa ng pagtawa sa’yo?
Nakakapagpababa ng blood pressure. Siyempre, kapag relax ka at masayang tumatawa, nawawala ang iyong stress. Kahit pa galit ka, kapag may nakita kang nakakatawa o di kaya ay may nagpatawa sa’yo, 100% at naaalis ang galit, depresyon at stress sa iyong katawan at nagpapalit ka ng mood. Nakakaramdam ka ng kaginhawahan sa iyong dibdib sa oras na ikaw ay tumatawa. Kaya malayo kang sumpungin ng alta presyon. Sa katunayan, kapag tumatawa, bumababa ang stress hormones na cortisol at adrenaline at pinadadami ng pagtawa ang tumor at disease-killing cells na “Gamma-interferon” at T-cells.
Kung ikaw naman ay mahilig kumanta, mahusay ang pagtawa bilang ehersisyo sa iyong diaphragm, respiratory, facial, leg at back muscles. Tinuturuan ka kasi ng pagtawa kung paano ka hihingi ng malalim. Nakakapagpatalino rin ang pagtawa, ayon sa pag-aaral ng Johns Hopkins University Medical School., ang pagpapatawa ng isang instructor sa kanyang estudyante ay nakakatulong para magkaroon ang mga ito ng mas mataas na score sa pagsusulit dahil mas nagiging alerto at creative ang isang tao kapag tumatawa at masaya.
Napakabilis ng reaksiyon ng utak sa mga nakakatawang bagay dahil mas mababa pa sa kalahating segundo ay pumapasok ito sa utak ng tao. Ang left hemisphere ng utak ang siyang nag-aanalisa ng salita ng isang joke at ang right hemisphere naman ng utak ang nakaka-“get” ng joke habang ang visual sensory area ng occipital lobe ng utak ang nakakapag-imagine kaya natatawa ang isang tao kapag nakakarinig ng nakakatawang bagay.