Anong game of chance ang lucky sa’yo?

Birth date 1  (10, 19, 28 o ipinanganak ng April at August)

Mga paligsahan na kakailanganin ang malawak na karunungan ang dapat nilang salihan kagaya ng Who wants to be a millionaire? Ang sekreto para manalo ay maging palabasa. Hindi masuwerte sa karera.

Birth date 2  (11, 20, 29 o ipinanganak ng May at July)

Sa pustahan, masuwerte kung pupusta sa mas popular.  Halimbawa sa boksing—mas malaki ang tsansang manalo kung kay Pacquiao pupusta. Okey din na gamitin ang kutob. Madalas na tumatama ang kutob. 

Birth date 3  ( 12, 21, 30 o ipinanganak ng March at December)

Sorry pero di kayo masuwerte sa sugal.

Birth date 4  (13, 22, 31 o February at August)

Kabaliktaran ng number 2 person. Kung pupusta, ang piliin mo ay yung hindi popular o tinatawag na “dark horse”. Malaki ang tsansang biglang kasihan siya ng suwerte at talunin ang mas popular na kalaban. Tayaan sa lotto ay iyong  numerong “tamad” lumabas.

Birth date 5  (14, 23 or ipinanganak ng June and September)

Masuwerte sila sa sugal pero pinakamasuwerte sa grupong 5 ay ang birthdate na 23. Masuwerte sa karera, roulette wheel, dice, cards. Iwasan lang maging adik sa sugal para hindi ka pagsawaan ng suwerte. Nagiging malas na sa sugal ang isang taong nagiging adik na sa sugal. (Itutuloy)

Show comments