Alam n’yo ba?

Alam ba na ang Idaho ay tinaguriang “Land of Famous Potatoes”? Dito kinukuha ang 1/3 ng patatas sa buong America. Bawal naman dito ang magregalo ng isang box na candy na may bigat na 50-libra. 19% naman ng mga Amerikano ay umaming kumakain sila ng ice cream sa kama at 3% naman ang kumakain sa bathtub. Mas mataas naman ang benta ng mga tindahan ng ice cream tuwing linggo kumpara sa ibang araw. Kinakaila­ngan ng 12-libra ng gatas para makagawa ng isang gallon na ice cream. Pinakamabenta naman ang vanilla ice cream flavor sa U.S at pangalawa lang dito ang chocolate flavor.  Napaulat noon na nagbayad ng $200 si dating US president George Washington  dahil sa kinain niyang ice cream.

 

Show comments