Nagdadalawang-isip magpakasal...

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Armee, 23 years old. Nakatakda na akong ikasal sa January. Matagal na namin itong pinlano ng nobyo ko. Pati parents namin ay alam ang aming wedding plan. Pero kahit engaged na ako, nagkaroon ako ng suitor and I feel that I’m falling for this guy. Hindi ko pa siya sinasagot pero very persistent siya. Alam din niya na ikakasal na ako sa January. Anong gagawin ko? Naguguluhan ako.

Dear Armee,

Maraming apektado at masasaktan kapag nakipag-break ka sa nobyo mo lalo pa’t malapit na ang inyong kasal. Bagamat kaligayahan mo ang nakasalalay, pag-aralan mo pa rin mabuti hindi lamang ang iyong damdamin kundi pati na ang sitwasyon. Baka naman imbes na ligaya ay luha ang mapapala mo kung magpapalit ka ng bf. I can see na ang pakakasalan mong lalaki ay matagal mo nang kakilala, otherwise hindi kayo magkakaroon ng ganyang commitment. Mag-isip kang mabuti.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments