Tatakbo sa lugar nila sa probinsiya ang isang junior actor na mula sa isang showbiz clan. May bahay kasi ang parents niya sa probinsiya kaya kahit na nga sa Manila ang trabaho niya, kumandidato siya sa kanilang probinsiya.
Eh may pangalan na rin naman si junior actor sa showbiz. Kaya feeling niya eh may lamang na siya sa mga kalaban.
Ang problema, wala namang ginagawang tulong sa mga kababayan ang aktor. Bihira rin siya sa probinsiya! Kaya naman pinayuhan ang aktor na huwag nang ituloy ang balak na tumakbo next year. Pero gusto niyang tumakbo.
Eh dahil mas marami ang nagsabing huwag nang tumakbo, nagdadalawang-isip na si junior actor, huh! Tutal naman, walang gustong gumastos sa kampanya niya dahil hindi naman siya mabenta sa projects!
Kaya ang aktor, nalilito kung tatakbo o hindi sa pulitika next year!
Sen. Bong, ayaw paawat sa aksyon!
Ayaw ibuking ni Senator Bong Revilla, Jr. kung ano ang magiging character ni Jillian Ward sa third season ng sitcom niyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 na magsisimula sa Dec. 22 sa GMA.
Eh nabalita noon na gagawa sila ng movie ni Jillian pero baka next year na nila ito gawin.
Sa totoo lang, nakakalula ang plug ng sitcom na ito ni Sen. Bong na talaga namang maraming makikitang bago sa action scenes niya!
Kahanga-hanga ‘yung eksenang ginanap sa isang flyover kung saan nahulog ang sasakyang nandoon si Beauty Gonzalez, na asawa niya sa sitcom.
Sabi nga ni Direk Enzo Williams ayaw paawat ni Sen. Bong sa paggawa ng delikadong routines para sa sitcom kaya sila ang nasa-shock sa mga eksena ng senador na nagpa-raffle sa mediacon bilang regalo sa press na mula pa nung simula hanggang ngayon ay suportado siya sa lahat ng projects niya!
Merry Christmas, Senador Bong! Mabuhay ka!