Pinaboran ng hukuman ang broadcast journalist na si Atom Araullo sa pagsasabing isang abuso sa freedom of speech ang ginawa ni dating spokesperson ng NTF ELCAC na si Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz na nag-ugnay sa broadcast journalist at pamilya nito sa mga rebeldeng komunista.
Sinampal ng QC RTC Branch 306 sina Badoy at Celiz ng multang dalawang milyong piso bilang bayad-pinsala sa reputasyon ng pamilya ni Araullo.
Ang isa pang ni-red tag nila noong araw ay ang aktres na si Angel Locsin na tumutulong pa nga sa gobyerno maging sa militar kung may mga kalamidad at noong panahon ng pandemya, pero sa kabila ng kanyang tulong na-red-tag pa siya ng NTF ELCAC at sinabing siya ay tumutulong sa mga kalaban ng gobyerno.
Sana maimbestigahan din at parusahan ang mga nagbintang noon kay Angel. Hindi lang nila sinira ang career nito, pinasama pa nila ang imahe ng aktres na kasalukuyang hindi aktibo ang career sa kabila ng kanyang ginagawang pagtulong sa kapwa niya Pilipino noong mga nakalipas na sakuna.
Daniel, hindi ramdam ang nabawas na fans
Baliw lang ang nagsasabing laos na si Daniel Padilla. Nakita naman ninyo sa internet kung papaano siya pinagkaguluhan ng libong tao sa isang mall show para sa isang promo ng kanyang endorsement, at ganoon din sa isang performance kasama ang mga ABS-CBN stars sa Araneta Coliseum.
Maski ang videos ng ilang shows niya sa mga probinsiya, makikita mo kung papaano siya pagkaguluhan at habulin ng fans. Mula sa aiport hanggang sa venue hanggang sa hotels na tinuluyan nila. Kailangan ng mahigpit na security para sa kanya.
May isa nga kaming source na nagsabing magdamag na nakabantay sa labas ng isang hotel ang napakaraming fans, na naghihintay at nagbabakasakaling dumungaw man lang si Daniel mula sa kanyang hotel room.
Siguro nga may mga nawala siyang fans, pero ang mga iyon ay fans ng ex niyang si Kathryn Bernardo, na natural kakampi kay Kathryn. Pero ang talagang fans ni Daniel, obvious solid pa rin sa kanya.
Panganganak ng transman na si Jesi, pinag-usapan
Nanganak na pala ng isang sanggol na babae ang transman na si Jesi Corcuera. Babae naman siyang talaga hanggang sa maisipan niyang mabuhay at magpakilalang lalaki.
Sumailalim siya sa pag-aalis ng dibdib at uminom ng hormones para mas magmukhang lalaki, may ka-live in din siyang babae, pero in the end, naisip din niyang magkaroon ng sariling anak.
Humanap siya ng isang sperm donor at sumailalim sa IVF para mabuntis siya.
Ilang milyon din ang gastos sa IVF na hindi mo pa masasabing anak mong talaga, dahil hindi mo naman asawa ang nakabuntis sa iyo kundi galing lang sa isang sperm donor, na natural babayaran mo rin.
Male star, may talo sa kalabang pulitiko!
Ang usapan, kung matatalo raw ang isang artistang kumakandidato sa ngayon, wala nang kaduda-duda may dalang malas sa pulitika ang kanyang pangalan. Iyong isang kapangalan niya ay natalo sa lahat ng sinalihang eleksiyon.
Ngayon ang paniwala ng marami ay llamado siya sa laban pero hindi pala. Dahil ang kalaban niya ay nakapagbigay pala ng napakaraming scholarship. At kung boboto na raw doon ang lahat ng pamilya ng mga natulungan niya, giba ang lakas ng male star na kandidato.