Janine, hindi basta nagpa-sexy

Janine

Sexy talaga si Janine Gutierrez sa kanyang pictorial para sa isang brand ng alak. Ngayong nagpakita na siya ng katawan, ano ang kasunod na gagawin ni Janine? Aalukin na rin siyang magpa-sexy sa pelikula at TV rin?

Pero ang paniwala namin wrong move pa rin ang magpa-sexy siya at this time. Ang ganda sana ng imahe ni Janine dahil pinatunayan niyang isa siyang mahusay na artista.

Ngayon baka hanapin na ang pagpapa-sexy sa kanya.

Pero ang isang hindi pwedeng ‘di ipagmalaki ni Janine, may diploma siya sa kolehiyo.

Graduate siya ng Ateneo de Manila ng kursong European Studies. Kaya hindi siya pwedeng ihanay sa mga artistang basta na lang naghubad.

Rufa Mae, may kailangang bayaran na P1.7 M

Ayos din naman si Rufa Mae Quinto, sa kabila ng sunud-sunod niyang problema ang sinasabi niya ay “kaya pa.” Ngayon lu­mabas na ang mga problema niya sa kanyang asawa. Nasabayan pa iyon ng mga isinampang kaso sa kanya sa Pilipinas dahil lamang sa ginawa niyang endorsement ng beauty clinic na sinasabi nga niyang ang ibinayad sa kanyang tseke ay tumalbog pa.

Kung uuwi siya ngayon sa Pilipinas, kailangan niyang maglagak ng piyansang P1.7 million para pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kaso at natural magbabayad na siya sa abogado ganoong nasuba na nga siya sa endorsement na iyon.

Ano nga ba ang dapat niyang gawin ngayon sa mga kasong iyon? Wala naman siyang choice kundi maglagak muna ng P1.7 million na piyansa, kung hindi mane-Neri Naig din siya.

Maris, mas bagay na sa matured roles

Sa ngayon ang dapat nang magsimulang magpa-sexy ay si Maris Racal. Pagkatapos ng kanilang scandal ni Anthony Jennings, sino pa ang kakagat sa pagpapa-sweet pa niya.

Dapat gumawa na siya ng matured roles ngayon dahil baka iyon pa ng magsalba sa kanyang career.

Showbiz gay, sustentado ng poging BF!

Matindi na rin ngayon ang isang showbiz gay na dati ay nagtatago pa sa closet. Sa isang formal event kamakailan, marami ang na-shock nang nakita siyang sinusubuan pa ng pagkain ng kanyang boyfriend. Bagama’t hindi nga sila open sa relasyon, pero alam na rin naman ng ilang taong close sa kanila ang kanilang relasyon at hinahangaan nga siya kung hindi man kinaiinggitan ng ibang bakla, dahil pogi at mayaman ang boyfriend at sinasabing ang gay pa ang sinusustentuhan noon.

Eh ano ba kung bading din ang boyfriend? May mga tao talagang suwerte sa buhay eh, ano magagawa ninyo.

Show comments