Maraming netizens ang naintriga sa bagong profile picture ng singer na si Moira dela Torre.
Wala kasing litrato ang display picture nito kaya tanong ng mga tagahanga niya ay brokenhearted na naman daw kaya ito?
Dagdag pa rito ay wala na siyang fina-follow sa kanyang Instagram account at burado rin ang mga post niyang litrato sa kanyang profile.
Tingin naman ng ibang netizens ay may bagong kanta na naman daw ito na swak sa sad gurl era.
Mukhang marami na naman daw ang mabo-brokenhearted kahit walang jowa dahil sa kanta niya.
May iba naman na nagsabing hindi na ito bago na paandar lamang ng mga artista para mapag-usapan. Kinumpara pa nga siya kina Taylor Swift at Beyonce dahil sa gimik daw nito.
Lumabas pa ang mga litrato na hinahanap siya dahil nami-miss na siya ng mga ito.
Pero mas nangibabaw nga ang ispekulasyon ng marami na meron lamang itong bagong kantang ilalabas na inaabangan ng fans niya.