Mga gustong maging politiko, para wala nang kwalipikasyon

Kaloka rin na ang daming gustong maging politiko.

Kung medyo bata-bata lang ako at hindi pa tamad lumabas ng bahay, go rin ako sa COMELEC at magpa-file ng certificate of candidacy. Para malaman ko ang feeling ng isang gustong magsilbi kuno sa bayan.

At higit sa lahat ipo-post pa ng mga malalaking media outlet at nagti-trending pa na.

Naloloka kasi ako na ba’t ang dami-daming nagpa-file ng COC, parang ordinaryong bagay na lang.

Wala na ba ngayong qualification sa mga kakandidato? Kaloka.

Dingdong at Michael, nanalo sa AACA

Bongga, 14 sa mga programa at personalidad pala ng GMA 7 ang kinilala sa Asian Academy Creative Awards. (AACA).

Pinatunayan nga nila na sila ang ‘News Authority ng Filipino’ nang ang 24 Oras: Super Typhoon Carina Southwest Monsoon ay nanalo ng Best News/Current Affairs Program at ang Unang Balita: Ravaged by El Niño ay kinilala bilang Best Documentary Series.

Bilang patunay sa Tatak Public Affairs, Tatak World-Class, ang multi-awarded na programa ng GMA Public Affairs na Kapuso Mo, Jessica Soho: If Looks Could Kill ay kinilala bilang Best Infotainment Program; ang Reporter’s Notebook: Upuan ni Ipiw ay nanalo ng Best Documentary Program; at ang Biyahe ni Drew: Let’s Go to Oriental Mindoro ay pinarangalan bilang Best Lifestyle Program.

Habang ang pelikulang Firefly, ay nagdagdag ng isa pang parangal sa patuloy na dumaraming listahan nito para sa Best Screenplay.

Ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V ay kinilala bilang Best Actor sa Comedy Role para sa Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento na nanalo rin Best Comedy Programme.

Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay ginawaran naman ng Best Entertainment Host para sa Family Feud Philippines.

 Samantala, ang launch trailer ng Pulang Araw ay kinilala bilang Best Promo o Trailer.

Bongga. Sensya na sa ibang mga nanalo na hindi ko na nailagay dito. Natamad na akong alamin kung sinu-sino sila. Basta ang importante, wagi sila.

Show comments