Kim, sinalba ni Ryan Bang!

Kim

MANILA, Philippines — Bongga si Kim Chiu. Ginastusan ng fans niya ang electronic billboard niya sa South Korea.

Kasalukuyan ngang nasa bansa ng mga oppa si Kimmy upang personal na tanggapin ang kanyang award bilang Outstanding Asian Star Award from the Philippines mula sa 2024 Seoul Drama Awards (SDAs) na gaganapin ngayong araw, Sept. 25.

Pinagbotohan ng fans ang kanyang panalo sa SDAs.

Kasabay niyang tatanggap ang artists muna sa ibang Asian countries tulad nina Byeon Woo-seok and Kim Hye-yoon ng Lovely Runner (South Korea), Siti Saleha (Malaysia), Desmond Tan (Singapore), Ochi Rosdiana (Indonesia) and Win Metawin Opas-iamkajorn (Thailand).

Napa-react tuloy si Kim sa nasabing LED billboard niya : “Hala!!!’ Billboard sa KOREA?!!!!! gusto ko na umiyak talaga!!!! Hindi ko alam kung sa pa LED billboard ng @KimChiuFBpage fam or dahil finally sa tulong ni @ryanbang  nakalabas na passport ko the day before the event! waahhhh! Thank you po KCG FAMILY!,” comment niya sa 15-second video na nakabandera ang kanyang pangalan sa Hongik University Station, Seoul, South Korea.

Wala namang sinabi si Kim kung ba’t na-delay ang visa niya.

Kris, naka-jackpot daw sa doktor

Naka-check in pala sa hotel si Kris Aquino.

Ito ang narinig kong update matapos siyang bumalik sa bansa.

Two weeks ago nang dumating ng Pilipinas si Kris pero nanahimik na ito na kabilang sa mga sumundo ay ang bagong karelasyon niya na kasama sa pinasalamatan niya (‘MY Dr. MP’) sa kanyang post bago lumapag ng Pilipinas ga­ling Amerika almost two weeks ago, si Dr. Michael Padlan, na residente ng Makati Medical Center.

Same age raw ang nasabing jowa ni Kris, 53 years old, at may two kids sa previous relationship.

Sikat daw si Doc sa Makati Med at ang daming pasyente ayon sa isang kakilala kong pasyente ni Doc Michael.

Kaya naman masaya ang kanyang followers na meron na talagang nag-aalaga kay Kris.

Mas ok naman daw talaga sa hotel kesa maglagi ito sa hospital.

Show comments