Mga kabuteng award-giving bodies, disposable ang trophy

Tuloy pa rin ang pamimigay ng awards ng iba’t ibang sector ng lipunan at hindi na lang taga-showbiz industry ang involved.

Nagsimula ang pagkabute ng award-giving bodies nung pandemya. Kadalasan eh virtual o basta na lang inilalabas sa socmed ang winners.

Patola naman ang winners for clout baga kahit hindi masyadong kilala sa showbiz circle ang nagbigay.

Kung minsan, international ang awards at kung minsan, ginagamit ang isang bansa kahit dito lang sa bansa ang bigayan ng awards.

‘Yun nga lang, parang ora-orada ang paggawa ng tropeyo para sa winners, huh! Napansin ito ng kasama ng isang winner nang subukan niyang hawakan ang mga nakalagay sa trophy.

Paghawak nito sa letters na nakalagay sa tropeyo, aba, nagulat siya nang matuklap ang letra sa ilan sa naka-print! Idinikit na lang niyang muli nang sa gayon, maging normal at hindi pansinin ang pagkatuklap ng nakasulat!

Naku naman, ayusin naman ang pagpapagawa ng trophies upang hindi agad ito masira sa isang hawakan lang, huh! Cheapppppp!

Marian, pumayag pabugbog

Ipinakita na ng GMA Pictures ang hitsura ni Marian Rivera sa Cinemalaya movie niyang Balota.

Madungis, duguan at malungkot! Very timely, huh!

Yes, hindi press relase ang balitang deglamorized at nabugbog si Yan sa movie. ‘Yun nga lang, kitang-kita pa rin ang ganda niya, huh!

Dama nga lang sa mukha niya ang hirap bilang isang poll watcher o teacher na dinepensahan ang huling balota para malaman kung sino ang winner!

Sa looks ni Marian, daming na-excite sa Cinemalaya na siguradong blockbuster ang movie niya, huh!

Show comments