Harry Roque, trending dahil sa kasama raw sa biyahe

Harry Roque

Naloka naman ako sa ku­malat na dokumento na nakuha raw mula sa ni-raid na POGO hub sa Pampanga na diumano’y konektado sa dating presidential spokesperson Harry Roque. Nakalagay daw sa dokumento na ang isang kasama niya sa travel at naging executive assistant din niya nung panahong nasa Malacanang ay nanalo sa isang male pageant.

Eh ano namang masama kung isang pageant contestant ang gustong katrabaho ni Papa Harry?

Alam mo naman sa social media, parang carenderia na bukas sa lahat ng gustong sumawsaw sa mga issue.

Kaya ako hanggang Instagram lang.

Parang ito na ‘yung mental exercise ko lalo na kung bored ako.

Ang lungkot nga lang na hindi na ulit naibalik ang aking comment box.

Alam mo naman may ibang fans na nang-iimbyerna lang.

Pero sa totoo lang, may maganda naman talaga at panget na epekto ang social media.

Ang nakakataka lang, ‘yung ibang mga tao parang’yun na lang ata ang buhay.

Parang nakakalimutan nilang mas masayang maging normal at ‘wag masyadong maging adik sa cellphone.

Show comments