Rhian, ‘di umepal sa pag-iikot ni Sam

Rhian Ramos

Kasama si Rhian Ramos nang magkaroon ng meet and greet ang boyfriend niyang si Representative Sam Verzosa sa aming lugar sa Sampaloc.

Gaya ng nauna niyang bisita, mga barangay official ang dumalo sa patawag ni Sam.

Pero nanatiling nakaupo lang daw sa tabi ni Rep. Sam si Rhian. Walang eksenang ginawa although friendly naman siya sa lahat.

Luis at Ate Vi, magsasama sa isang partido

Posibleng tumakbo sa isang partido ang mag-iinang Vilma Santos-Recto, Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Inihayag ang posibleng scenario sa 2025 elections sa Batangas ayon kay Finance Sectary Ralph Recto.

Si Sec. Ralph ang nag-administer ng oath-taking ng grupo naming MMPress o MultiMedia Press Society kung saan ang inyong lingkod ang Chairman of the Board with Ambet Nabus as the president.

Nabanggit din ni Sec. Recto na gagawa this year ng movie si Ate Vi at may projects din siya para sa film and TV ­workers.

Show comments