Dolly, magiging nanay ni Mallari!

MANILA, Philippines — Kung sa pelikulang Mallari, sina Piolo Pascual at Gloria Diaz ang gumanap sa role ni Juan Severino Mallari at Doña Facunda, respectively, sa series version ng movie na titled Severino: The First Serial Killer, sina Dennis Trillo at Dolly de Leon ang gaganap na mag-ina.

In-announce ng CreaZion Studios, producer ng series ang pagkapili kay Dolly to play Severino’s mother. Ni-report na rin ng Deadline, isang online news site ang tungkol dito sa Cannes Film Festival.

Dahil una nang na-announce na si Dennis ang gaganap sa role at karakter na si Fr. Severino Mallari, kay Dolly focused ang balita ng Deadline.

Ang sabi nga, this is one of Dolly’s darkest roles at kung napanood ninyo ang Mallari, alam ninyo kung ano ang nangyari sa kanyang karakter.

Sa September na raw sisimulan ang shooting ng series na ang intindi namin, to be released internationally.

Si Yam Laranas ang director  na director din ng horror films na
The Echo at The Road. 

Show comments